Dumepensa ang DOTr at LTFRB sa umano’y red tagging sa mga grupo na nagkakasa ng transport strikes.
Sa isang statement, ipinahayag ng DOTr at LTFRB mismong ang PISTON ang nagdeklara na ang transport strike ay ang bersyon nila ng Red October plot.
Dahil dito, inilalantad lamang nila ang intensyon ng ilang grupo bilang preemptive action para proteksyonan ang interes ng mga pasahero.
Bagamat aminado ang DOTr na matindi na ang epekto sa transport sector ang patuloy na pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo, hindi naman kasama sa karapatan na ito na perwisyuhin ang commuting public sa pamamagitan ng mga tigil pasada.
Hindi rin nila palalampasin ang ginagawang pamimilit ng PISTON sa ibang mga tsuper na ayaw makibahagi sa kanilang strikes.
Hinamon ng naturang mga ahensya ang mga transport groups na makipag dayalogo sa kanila sa halip na pahirapan ang mga pasahero.