‘Students in crisis’ sa mga pribadong eskwelahan, bibigyan din ng educational assistance ng DSWD

Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pwede ring maging benepisyaryo ng educational assistance ang mga mag-aaral mula sa private school.

Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo, hindi lahat ng naka-enroll sa mga pribadong eskwelahan ay may kakayahang tustusan ang iba pa nilang pangangailangan.

Giit pa ng kalihim, galing naman ang pondo sa Assistance for Individual in Crisis Situation (AICS) ng ahensya kaya ibibigay nila ito sa mga estudyanteng nangangailangan saan mang eskwelahan sila nag-aaral.


“Meron po kaming mga ganon kahapon Sir na mga na-interview, nasa private, magugulat ho kayo e nung tinanong nasa’n ang magulang mo, yung tatay daw niya nasa ospital. Yung isa naman, yung magulang daw niya nakakulong parehas dahil sa droga bagama’t scholar po siya. May sad stories po. So bibigyan din natin ng tulong,” saad ng kalihim sa panayam ng RMN DZXL 558.

“It doesn’t matter kung siya po e, basta’t provided that the student is in crisis. Yung pondo naman pong ito e [galing sa] Assistance for Individual in Crisis Situation. Iniisip na lang po namin, sabi ko nga sa social worker namin, ‘Hindi mo naman pera yan, hindi naman pera ni Secretary. Yan ay pera ng taumbayan na pinag-ambag-ambag, binayad na buwis, binigyan tayo para ipantulong sa tao,” dagdag niya.

Kahapon, August 20 nang simulant ang distribusyon ng educational assistance na tatagal hanggang sa September 24.

Nasa P1,000 ang matatanggap na tulong ng mga batang nag-aaral sa elementarya; P2,000 sa High School; P3,000 sa Senior High School at P4,000 para sa mga college at vocational students.

Facebook Comments