STUDENTS ng CAM-HIGH at BLICA, Nanalo sa International Competitions – Kinilala ng Naga City Government

Nakana ng mga mahuhusay na mag-aaral ng Camarines Sur National High School ang 2nd Place Grand Award sa prestihiyosong International Science and Engineering Fair Energy: Physical Science category na ginanap sa Pittsburgh, Pennsylvania, USA nitong nakaraang May 13-19, 2018.
Ang mga estudyanteng lumaban ay binubuo nina Joscel Kent Manzanero, Eugene Rivera, Keith Russel Cadores, Joriel Brinton Frias, at Gwynne Celeste Aguilar.
Isinalang ng grupo ang kanilang pagsusuri tungkol sa Solar Tracking Arduino PV Panels na ginagamit sa pagtukoy ng enerhiyang mula sa araw.
Kinilala rin ng Naga City Local Government sa pangunguna ni Mayor John Bongat ang kakayahan ng nabanggit na mga mag-aaral at kinilalang mga bagong bayani dahil sa pagbibihay ng karangalan sa bansa, lalung-lalo na sa lunsod ng Naga.
Sa flag-raising ceremony ng mga kawani ng Naga City Hall nitong nakaraang Lunes, pinangunahan mismo ni Mayor Bongat ang paggawad ng certificates of commendation sa mga mag-aaral ng Camarines Sur National High School kabilang na rin ang kanilang Coach na si Mr. Johnny Samino at School Principal na si Dr. Sulpicio Alferez III.
Samantala, sa nasabing okasyon, bingyan din ng Certificates of Commendation ang 2 mag-aaral na kinabibilangan nina Gian Hector Diamante at Wystan Villareal, kapwa Grade VI pupils ng Blessed Lights International Academy (BLICA) matapos mapanalunan ang Silver Medal sa katatapos lamang na International Mathematics Wizard Challenge na ginanap noong May 5-6, 2018 sa Jakarta, Indonesia.
photos from fb of CamHigh BLICA


Facebook Comments