Studyante na High Value Drug Target sa Nueva Vizcaya, Natimbog sa Buy Bust!

32

*Bayombong, Nueva Vizcaya-* Arestado ang isang studyante na High Value Drug Target sa ikinasang Drug Buy Bust Operation ng mga otoridad sa Bayombong, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang HVT na suspek na si Jayson Luclucan, disi nuebe anyos, binata, isang studyante at residente ng Bayombong, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, nadakip si Luclucan matapos kagatin ang operasyon ng mga otoridad kung saan nakuha mula sa suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng mga tuyong dahon ng Marijuana at ang limangdaang pisong buy bust money.

Bukod pa rito ay nakumpiska pa sa pag-iingat ng suspek ang isa pang sachet ng mga tuyong dahon ng marijuana at limangdaang gramo ng mga tuyong marijuana na nagkakahalaga ng animnapung libong piso.

Dinala na sa PNP Bayombong ang suspek na mahaharap sa kasong Paglabag sa RA 9165 habang dinala naman sa Crime Laboratory ang mga nakumpiskang marijuana.

Facebook Comments