Studyante ng Isang Unibersidad, Nagpakamatay Dahil sa Depresyon!

116

*Sanchez Mira, Cagayan-* Patay ang isang disi otso anyos na estudayante matapos magpatiwakal gamit ang kanyang necktie ng Uniform kamakailan sa Brgy. Centro 2, Sanchez Mira, Cagayan.

Kinilala ang biktimang nagpakamatay na si Icy Barcena, disi otso anyos, studyante ng Cagayan State University-Sanchez Mira Campus at residente ng Brgy. Kili, Tubo, Abra.

Batay sa panayam ng RMN Cauayan kay PO2 Elizer B. Tapec, ang imbestigador ng PNP Sanchez Mira na depresyon ang nakikitang motibo sa pagpapakamatay ni Icy Barcena base na rin sa iniwan nitong suicide note sa kanyang higaan na nagpapasalamat sa kanyang pamilya at sa kanyang mga kaibigan at humihingi na rin ng kapatawaran dahil siya ay mahina sa klase.

Nalaman lamang umano ang pagpapakamatay ng biktima matapos buksan ang bintana ng kanyang isang boardmate at landlady nang Makitang nakabitin na lamang ito sa loob ng kanilang kwarto.

Sa ngayon ay nakaratay na ang labi ng biktima sa Brgy. Pudtol, Apayao para sa kanyang lamay.

Facebook Comments