Stylist photo shoot ng mag-asawang Heart Evangelista at Chiz Escudero, kinagiliwan online!

Kinagiliwan online ang stylist photo shoot ng mag-asawang Heart Evangelista at Chiz Escudero.

Sa Instagram account ni Heart, makikita ang nakatutuwang mga larawan nilang mag-asawa na iisa pa ang paraan ng pag-pose.

Ibinahagi pa nga ng aktres na napilit niya lang si Chiz na magphotoshoot dahil hindi talaga nito hilig ang ganoong mga bagay.


Matapos ang ilang oras na pamimilit, sa wakas ay naging super game din ang asawa para sa shoot.

Ilang netizens naman ang pumuri sa mag-asawa at may nagsabi pa na; OMG so cute!” at “Power couple!”

Sina Heart at Chiz ay ikinasal noong February 2015.

Facebook Comments