Sual Pangasinan nagpositibo sa Red Tide

Kinumpirma ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na positibo sa red tide ang bayan ng Sual Pangasinan.
Sa inilabas na Shellfish Bulletin No. 20 ng BFAR may red tide toxins ang mga sample na nakuha sa Barangay Baybay Norte at Cabalitian.
Hindi umano ligtas na kainin ang alamang na mula dito ngunit ang isda, hipon at alimango ligtas kainin basta’t maiging hugasang mabuti.
Nanatili namang negatibo sa red tide toxin ang baybayin ng Bani, Bolinao, Anda , Alaminos City at Wawa.
###

Facebook Comments