Sub-Technical Working Group para sa pag-aangkat ng posibleng bakuna kontra COVID-19, binuo na

Bumuo na ang pamahalaan ng sub-Technical Working Group (TWG) na tututok sa pag-a-angkat ng Pilipinas ng bakuna laban sa Coronavirus Disease 2019.

Ayon kay Department of Science and Technology Secretary Fortunato dela Pena, ang Department of Budget and Management procurement service ang mangunguna sa TWG.

Ilan din sa mga kagawaran na magiging miyembro ng TWG ay ang Department of Health, Department of Finance, Department of Foreign Affairs, Philippine International Trading Corporation, Department of Trade and Industry, National Economic and Development Authority at Department of the Interior and Local Government.


Una nang naglaan ng P2.4 billion na inisyal na pondo ang pamahalaan para sa COVID vaccine.

Target na mabigyan ng 40 milyong doses ang 20 milyong indibidwal sa ilalim ng free vaccination program.

Samantala, papayagan na ang asymptomatic local air travelers na sumailalim sa antigen tests bago ang pagdating sa kanilang destinasyon.

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, magsisilbing pampalit ang antigen test sa Real-Time Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) tests.

Facebook Comments