Subic Airport, dapat buksan para sa OFW flights

Nanawagan si Senator Richard Gordon sa Department of Transportation (DOTr) na buksan ang Subic Bay International Airport para sa lahat ng flights ng mga uuwing Overseas Filipino Worker (OFW).

Apela ito ni Gordon sa pamahalaan sa harap ng inaasahang pag-uwi sa bansa ng mahigit 300,000 OFWs sa susunod na tatlo (3) hanggang apat (4) na buwan.

Paliwanag ni Gordon, mas madaling maisasagawa ang COVID-19 testing sa mga OFW na lalapag sa Subic Airport para mas mabilis ding mai-proseso ang pag-uwi sa kanilang lalawigan.


Diin pa ni Gordon, akmang-akma ang Subic at Clark para sa paparating na mga OFW dahil bukod sa pagkakaroon ng airport ay mayroon din itong Seaport at quarantine facility.

Sabi pa ni Gordon, mas madali ring makakadaong sa Subic Seaport ang mga barkong may sakay na Filipino Seafarers dahil mas kalmado ang tubig doon kumpara sa Manila Bay.

Binanggit din ni Gordon ang bagong bukas na Philippine Red Cross Molecular Laboratory na kayang magsagawa ng hanggang 4,000 COVID-19 test kada araw sa Subic at Clark.

Facebook Comments