Subic mayor, itinangging siya ay narco politician

1258

Itinanggi ni Subic Mayor Jefferson “Jay” Khonghun ang alegasyon na isa siyang narco politician.

Sa kaniyang Facebook live, sinabi ni Khonghun na ang alegasyon ay kagagawan lang ng kanyang karibal sa politika.

Aniya, hindi niya kailangang magprotekta ng droga o maging drug lord dahil hindi naman siya ganoon kahirap.

Samantala, pinabulaanan rin ni Leyte 3rd District Rep. Vicente “Ching” Veloso na sangkot siya sa illegal drug trade.

Giit ni reelectionist na si Veloso, ang pagkasama niya sa “narco-list” ay politically motivated.

Kasabay nito, nangako si Veloso na magbibitiw siya kapag napatunayan na sangkot siya sa kalakalan ng droga.

Hinamon rin niya ang si PNP Chief Director General Oscar Albayalde at PDEA Director General Aaron Aquino na mag-resign kapag bigo silang mapatunayan na dawit siya sa droga.

Facebook Comments