Manila Water, nakatanggap na sila ng dagdag na water supply

58

Kinumpirma ng Manila Water na nakukuha na sila ng dagdag na suplay ng tubig.

Ayon kay Jeric Sevilla, head ng corporate affairs ng Manila Water, nakakapag-produce na ang Cardona Treatment Plant sa Rizal ng 22 milyong litro ng tubig kada araw.

Gumagana na rin aniya ang ilang deep well ng Manila Water sa ilang parte ng Metro Manila.

Sabi ni Sevilla, 10 hanggang 15 porsyento ng isang daang milyong litro ng tubig kada araw ang napapakinabangan na sa kanilang mga deep well.

Facebook Comments