Subject ng mga nasa Grades 1 hanggang 3, pinababawasan; subject na English at Filipino, pinadadagdagan naman ng oras

Inirekomenda ni Senator Sherwin Gatchalian na bawasan ang subject o asignatura ng mga Grades 1 hanggang 3 pero dadagdagan naman ang oras para sa mga leksyon sa Filipino at English.

Napuna ni Gatchalian na Chairman ng Senate Committee on Basic Education, na masyadong marami ang 8 subjects sa isang araw at mahirap ito para sa mga mag-aaral na maunawaan ang napakaraming asignatura gamit ang tatlong wika, ang “mother tongue”, English at Filipino.

Sa mungkahi ng senador, nais niyang bawasan ang mga subjects ng mga nasa Grades 1 hanggang 3 at gawin namang dalawang oras ang pagtuturo sa English at Filipino mula sa dating 50 minuto lamang.


Iginiit din ng mambabatas na panatilihin ang “Mother Tongue” na pangunahing salita na gagamitin sa pagtuturo sa nasabing antas.

Sa ganitong paraan ay mas maraming oras na matututo ang isang estudyante ng English at Filipino pero hindi naman mawawala ang pagkakakilanlan nito at pangunawa dahil napapanatili pa rin ang paggamit ng sarili nilang dayalekto o wika.

Facebook Comments