Submission ng application ng mga Pilipinong nakabase sa abroad na nais maglaro sa PBA, extended!

PBA – Good news po sa mga Fil-foreign players na nais sumali sa Annual PBA Rookie draft, extended po hanggang Lunes, September 4 ang pagpasa ng mga application letter nila.

Ayon sa PBA Commissioner’s Office, inextend nila ang deadline na dapat sana ay ngayon dahil holiday ang araw na ito.

Para naman sa local born players sa October 12 pa ang deadline.


Gaganapin ang annual rookie draft ng liga sa October 29.

Facebook Comments