Ihahaing ethics complaint laban kay Senator Trillanes, suportado ni Senator Ejercito

Manila, Philippines – Susuportahan ni Senator JV Ejercito ang ethics complaint na planong isampa ni Senator Richard Gordon laban kay Senator Antonio Trillanes IV.

Kasunod ito ng mainit na sagutan nina Gordon at Trillanes sa pagdinig sa nakaraang Blue Ribbon Committee ukol sa paglusot sa Bureau of Customs ng shabu galing sa China.

Para kay Ejercito, panahon na para kanilang tugunan ang madalas na hindi magandang inaasal ni Senator Trillanes.


Giit ni Ejercito, may nararapat na decorum o asal ang isang senador at parliamentary courtesty na dapat pairalin sa lahat ng pagkakataon.

Magugunitang, binalak na noon ni Senator Ejercito na ireklamo sa Ethics Committee si Senator Trillanes matapos nitong tawaging tuta ng administrasyong Duterte ang kanyang mga kasamahan sa Mataas na Kapulungan.

Facebook Comments