SUBMITTED FOR RESOLUTION! | Apela ng DOJ sa pagpayag ng korte na makabiyahe si Sen. Trillanes, dedesisyunan na!

Manila, Philippines – Submitted for resolution na ang inahing mosyon ng DOJ sa Makati RTC Branch 150 na humihiling sa pagbawi ng naunang desisyon ng korte na makabiyahe abroad si Sen. Antonio Trillanes IV.

Sa isinagawang pagdinig ng korte sinabi ni Judge Elmo Almeda na mamayang alas-4 ng hapon sya maglalabas ng desisyon..

Kung pagtitibayin ang unang desisyon o papaburan ang DOJ sa hirit na wag payagang makabiyahe abroad si Senador Trillanes.


Ayon kay naman kay Atty. Diosfa Valencia, clerk of court ng branch 150, batid ng korte ang agarang paglalabas ng resolusyon dahil sa Martes na o December 11 ang hiniling na pagbiyahe sa Europa ni Trillanes hanggang January 11, 2019.

Sakali mang pagtibayin ni Judge Alameda ang unang desisyon nito, kailangang magbayad ng 200 thousand na travel bond ni Trillanes para mapayaang maka alis ng bansa at pansamantala ring babawiin ng korte ang inilabas nitong Hold Departure Order sa Senador.

Nakabinbin sa Makati RTC Branch 150 ang kasong rebelyon ni Trillanes kaugnay ng Manila Peninsula Seige noong 2007.

Facebook Comments