Nakapagsumite na ng report at dokumento ang Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema kaugnay ng war on drugs ng Duterte Administration.
kaugnay ito ng petisyong inihain ng ng grupo nina Aileen Almora at Sister Ma. Juanita Daño na humihirit ng writ of amparo dahil sa naganap na mga patayan sa kampanya kontra iligal na droga.
kasama sa mga isinumite ng OSG ang case folder ng tatlumpu’t tatlong namatay at isang nasugatan sa operasyon ng pulisya laban sa droga;
Gayundin ang listahan ng mga naarestong Chinese at Filipino-Chinese mula 2003 hanggang 2017; at statistics ng PNP Internal Cleansing.
Isinumite rin ng OSG ang bilang ng buy-bust incidents sa San Andres Bukid ,Maynila mula July 1, 2016 hanggang November 30, 2017 at drug watch lists sa Sta. Ana ,Maynila.
Nagbigay din ang OSG ng summary ng mga kasong administratibo ng National Internal Affairs Service (NIAS) ng PNP gayundun ang pahayag ng Pangulong Duterte na lansangin ang illegal drugs.
Humirit naman ang OSG sa Supreme Court na bigyan sila ng karagdagang panahon para sa pagsusumite ng iba pang mga dokumento.