Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na inilatag na at isinumite na ng economic managers ang kanilang anti-inflation measures kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, sa ginanap na cabinet meeting kagabi ay inilatag ng economic managers ang mga panukala na gagawing basehan ng ipalalabas na executive order para sa non-tarrif barriers at non-tarrif impediments kung saan kabilang dito ang pagtiyak ng sapat na supply ng bigas sa bansa.
Sinabi ni roque na aabot ngayon sa 4.8 metric tons ang bigas ng NFA at mayroong dalawang milyong sako ng bigas ang parating ngayong buwan at mayroong 2.7 milyong sako naman ang inilaan para sa Zamboanga, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.
Kabilang din aniya sa mga hakbang ng pamahalaan para labanan ang iflation ay ang gawing simple ang licensing procedures para sa pag-angkat ng bigas ng NFA at ipasa ng kongreso ang Rice tariffication Bill.
Dapat din aniyang magkaroon ng puwesto sa palengke ang mga poultry rpducers para maiwasan na ang middleman at direktang makabili sa kanila ang mga consumer sa mas mababang presyo.
Bukod sa pagpapasimple ng importasyon ng bihas ay pinasisimplehan din ng economic managers ang proseso sa pag-angkat ng asukal, at pahuhusayin din ang paraan ng pagbiyahe ng mga agricultural products sa buong bansa.
May long term measures din na binabalangkas ang economic cluster at lahat ng ito ay isusumite nila kay pangulong Duterte sa lalong madaling panahon.