Manila, Philippines – Muling umapela si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa mga magulang ng mga estudyante na huwag mawalan ng tiwala sa ibang immunization programs ng pamahalaan.
Ito ay matapos aminin ng kalihim na ang vaccination program ng ahensya sa kabuuan ay hindi gaano tinatangkilik dahil sa kontrobesiyang idinulot ng Dengvaxia vaccine.
Giit ni Duque – subok at ligtas ang ibang bakuna at makapagbibigay ito ng proteksyon laban sa mga sakit na maaring makamatay.
Maiiwasan din aniya nito ang pagkakaroon ng outbreaks.
Tiniyak ng DOH na patuloy ang kanilang pagbisita sa mga ospitial at iba pang medical institutions para matiyak na tumatalima ang mga ito sa panuntunan sa pagbibigay ng gamot sa mga pasyenteng may dengue lalo na ang mga nabakunahan ng Dengvaxia.