SISIRIT | Higit pisong dagdag presyo sa produktong petrolyo, ipapataw ngayong linggo

Manila, Philippines – Muling magmamahal ang presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.

Tinatayang nasa piso hanggang P1.10 ang itataas sa kada litro ng diesel, gasolina at kerosene.

Sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) naman, posibleng manatili ang presyo nito o magkaroon nang bahagyang rollback sa Abril.


Ang paggalaw sa halaga ng petrolyo at bunsod ng pagmahal ng presyo ng imported na langis sa pandaigdigang merkado.

Facebook Comments