Subpoena laban sa mga sangkot sa maanomalyang flood control projects sa Bulacan, ilalabas na —DOJ

Maglalabas na ang Department of Justice (DOJ) ng subpoena laban sa mga indibidwal na sangkot sa limang kasong may kaugnayan sa maanomalyang flood control projects sa Bulacan.

Ang mga naturang kaso ang ibinalik ng Office of the Ombudsman sa DOJ para sila ang magpatuloy ng case build-up at imbestigasyon.

Sa pulong balitaan ngayong Miyerkules, sinabi ni Prosecutor General Richard Anthony Fadullon na kasama rito ang mga dating engineer ng Department of Public Works and Highways na sina Henry Alcantara, Brice Hernandez at Jaypee Mendoza.

Sa kabila nito, sinabi ni Fadullon na walang kasama na mga mambabatas mapa-senador o kongresista sa ngayon.

Hindi rin dito kasama ang mag-asawang contractor na sina Curlee at Sarah Discaya.

Muli namang iginiit ng Justice Department na magpapatuloy ang kanilang imbestigasyon kahit wala ang mga testimonya ng mga Discaya.

Facebook Comments