
Kinumpirma ng Office of the Ombudsman na opisyal nang natanggap ng Office of the House Secretary General ang subpoena duces tecum kaugnay sa hinihinging Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN ng isang empleyado ng Kamara.
Ipina-subpoena ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang SALN ng isang House employee na kanilang iniimbestigahan.
Kinumpirma ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na natanggap na ng Kamara ang kopya isang araw matapos magbabala si Remulla na sususpendihin si House Secretary General Cheloy Garafil dahil sa umano’y pagtangging tanggapin ang kopya ng kanilang subpoena.
Kasunod nito, sinabi ni Garafil na iginagalang nila ang tanggapan ng Ombudsman at mandato nito ay pinoproseso nila ang mga komunikasyong ipinadadala sa Kamara.










