Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Interior and Local Government (DILG) na hindi maabuso ang subpoena powers ng Philippine National Police (PNP). Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, mahigpit nilang babantayan ang mga PNP officials na binigyan ng kapangyarihang magpatawag ng indibidwal at magkakuha ng dokumento. Paglilinaw pa ni Año na hindi ‘universal’ para sa buong kapulisan ang subpoena powers dahil hindi naman ito ibibigay sa mga nakatalaga sa prescinct level. Maari aniya itong gamitin sa mga testigo na ayaw makipagtulungan sa police investigation lalo’t maraming nadi-dismiss na kaso sa korte dahil sa kakulangan ng ebidensya. Mapapalakas nito ang mga kaso na layong makamit ang hustisya. Sa ilalim ng Republic Act 10973, bibigyan ng subpoena powers ang PNP Chief, CIDG Director at Deputy Director for Administration.
SUBPOENA POWERS | DILG, titiyaking hindi aabuso ang PNP
Facebook Comments