BUY BUST OPERATION | 2 lalaki, huli sa Parañaque City

Paranaque – Arestado ang dalawang drug suspect sa ikinasang operation ng pinagsanib na pwersa ng PDEA at ParaƱaque Police sa Sampaguita Street, Tramo I, Barangay San Dionisio, Paranaque. Kinilala ang mga suspek na sina Julius Mejia at Ernesto PeƱafuerte. Sa ulat, nakabili ng shabu ang isa sa mga police sa halagang P500.00 kung saan nang matapos ang transaksiyon ay agad inaresto ang mga suspek. Bukod sa nabiling droga may nakuha pang isang pakete sa bulsa ng mga suspek nang sila ay kapkapan. Aminado naman ang dalawa sa pagbebenta saka sinabing malakas kasi ang kita sa kalakaran ng iligal na droga.

Facebook Comments