
Itinaas ng Lokal na Pamahalaan ng Maynila ang halaga ng subsidiya sa mga driver na nakikiisa sa ilang araw na libreng sakay program ng lungsod.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ito ay bunsod ng panibagong ipinatupad na malakihang taas-presyo sa produktong petrolyo.
Dahil dito, nasa ₱3,500 na ang halaga ng tulong sa mga tsuper ng jeep mula sa dating ₱3,000.
Epektibo ito mula ngayong March 31 at sa mga susunod na schedule ng libreng sakay.
Muling aarangkada ang libreng sakay ng pamahalaang lungsod ng Maynila pagkatapos ng Holy Week o mula April 6, 7, at 8.
Facebook Comments










