Subsidiya sa mga PUV driver at magsasaka, pinapadagdagan ng isang senador

Iginiit ni Senator Grace Poe na madagdagan pa ang subsidiya sa mga tsuper ng public utility vehicle o PUV at manggagawang pang-agrikultura sa harap ng patuloy na tumataas na presyo ng produktong petrolyo.

Inaasahan ni Poe ang buong suporta ng senado sa karagdagang ayuda na ito, lalo na kung kakailanganin ang aksyon ng lehislatura.

Ayon kay Poe, ang dagdag na subsidya ay tiyak makapagdudulot ng agarang tulong sa ating mga mamamayan partikular sa mga PUV drivers at mga magsasaka.


Ngunit giit ni Poe, kailangang kumilos ng mabilis ang gobyerno sa pamamahagi ng tulong sa gitna ng pagdurusa ng ating mga PUV driver, magsasaka at kanilang mga pamilya mula sa hagupit ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin.

Diin ni Poe, dapat magsagawa ng mabils na mga hakbang upang maibsan ang pasanin ng taumbayang lugmok na sa pagtaas ng presyo ng petrolyo at epekto nito sa halaga ng pagkain at bilihin.

Facebook Comments