Mga Bakunang hindi magagamit at malapit na ma-expire, idodonate ng pamahalaan sa iba pang mga bansa na mababa ang vaccine coverage

Ipapamigay ng pamahalaan ang mga sosobrang bakuna at malapit nang ma-expire.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na layon nitong matulungan ang ibang mga bansa na maiangat ang kanilang vaccination coverage.

Kabilang sa mga posibleng mabigyan ng bakuna mula Pilipinas ay ang Myanmar, Cambodia at Africa.


Sa ngayon ani ni Duque, pina-finalize pa ang eksaktong bilang o doses ng mga bakunang idodonate sa mga nabanggit na bansa.

Sinabi pa ni Duque na kung saka sakaling aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) na ma-extend ang shelf-life ng AztraZeneca vaccines na malapit ng masira ay mananatili o gagamitin ito sa nagpapatuloy na vaccination campaign ng pamahalaan.

Facebook Comments