Subsidiya sa pagbili ng bigas sa mga magsasaka, isinulong ng isang kongresista

Iminungkahi ni AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee ang pagtatag ng Rice Incentivization, Self-Sufficiency, and Enterprise (RISE) Program na tiyak hihikayat sa mga magsasaka na pataasin ang kanilang produksyon ng bigas.

Paliwanag ni Lee, ito ay isang subsidy program na gagamitin sa pagbili ng bigas sa mga magsasaka sa presyong tiyak ang kanilang magiging kita para masuportahan ang pamilya.

Ang bigas na bibilhin ng gobyerno ay ibebenta naman sa publiko sa abot-kayang halaga kaya parehong gagaan ang pasanin ng mga magsasaka at mamimili.


Binanggit ni Lee na aabot sa 2.6 million rice farmers ang makikinabang sa programa.

Diin ni Lee, makakatulong ang Rise Program sa pagkamit ng food security dahil daan ito para maging sapat ang supply ng bigas sa bansa at hindi na tayo umasa sa importasyon.

Facebook Comments