Manila, Philippines – Handa ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magbigay ng subsidy na aabot sa 200 piso kada buwan sa bawat minimum wage earners sa buong bansa.
Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, pinag-aralan na nila ang posibilidad ng pagbibigay ng subsidy.
Aniya, maari ring isang bagsakan ito ibibigay o katumbas ng 2,400 pesos na para na sa buong taon.
Ang pondo ay manggagaling mula sa gobyerno.
Ang 200 pesos subsidy ay ikinonsulta ng DOLE kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Finance (DOF).
Sa ngayon, ang proposal ay kinakailangan ng approval mula sa Office of the President.
Sa datos ng DOLE, aabot sa 4.1 million minimum wage earners sa buong bansa.
Facebook Comments