Substation ng ISELCO II, Ipapatayo sa San Mariano, Isabela!

*San Mariano, Isabela- *Isinagawa ngayong araw ang Ground Breaking Ceremony ng Isabela Electric Cooperative o ISELCO II para sa kanilang ipapatayong substation sa brgy. Santa Filomena, San Mariano, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay General Manager ng ISELCO II at Chairman ng Philippine Federation of Electric Cooperatives (PHILFECO) GM David Solomon Siquian , tinatayang nasa 10 Mega Volt Ampere (MVA) ang kanilang ipapatayong substation na mapapakinabangan ng bayan ng San Mariano at Benito Soliven.

Ito ay upang mapabuti ang kanilang pagbibigay serbisyo sa pamamagitan ng sapat na kuryente at matugunan ang mga suliranin sa madalas na pagkawala ng kuryente o brownout sa ilang bayan na nasasakupan ng ISELCO II.


Dagdag pa niya, tinatayang nasa 50 milyong piso ang maaaring magamit na pondo kung saan marami umano silang pwedeng hingan ng tulong para sa ipapatayong substation.

Nakahanda na rin umano ang ilang mga empleyado para sa pagbubukas ng bagong substation ng ISELCO II.

Facebook Comments