Manila, Philippines – Lusot na House Subcommittee on Correctional Reforms ang substitute bill kaugnay ng minimum age ng criminal responsibility.
Naging unanimous ang botohan ng subcommittee bagamat nag-abstain si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa panukalang pagpapababa ng minimum age ng criminal responsibility.
Ayon kay Committee Chairman Henry Oaminal – sa ilalim ng inaprubahang consolidated version – palalakasin ang mga probisyong nasa ilalim ng juvenile justice act of 2006 na kasalukuyang nagtatakda ng minimum age ng criminal responsibility sa edad na 15 sa halip na siyam na taong gulang ang edad.
Magiging mandatory din ang pagpapasok muna sa center ng Dept. of Social Welfare and Development ng mga batang mahuhuli para sa rehabilitasyon at hindi makukulong ang mga ito hanggang hindi umaabot sa edad na 25-anyos.
Nasa probisyon din na responsibilidad ng mga magulang kung anumang krimen ang ginawa ng isang bata.
Obligado ang mga magulang na sumailalim sa counseling at ang mga magulang na hindi susunod dito ay mapaparusahan.
Sa original version ng panukala ni House Speaker Pantaleon Alvarez – mula sa 15-anyos ay ibababa sa siyam na taong gulang ang criminal responsibility.
Pero, maraming mambabatas at ilang grupo ang hindi sang-ayon dito.
DZXL558