Muling pagdinig ng Senado kaugnay sa mga aberya sa MRT – umarangkada na mga dahilan ng madalas na aberya – inisa-isa

Manila, Philippines – Muling nagsagawa ng pagdinig ang Senado kaugnay sa usapin ng mga aberya sa MRT.

Sa pangunguna ng Senate Committee on Public Services na pinamumunuan ni Sen. Grace Poe – inisa-isa ni DOTr Undersecretary for the Rail Sector Cesar Chavez ang mga dahilan ng madalas na aberya sa mga tren.

Ayon kay Chavez – kabilang dito ang sistema at pagkaka-organize mismo ng mrt, kontrata sa busan group, overcapacity ng tren at ang serye ng kabiguan ng maintenance provider na magsagawa ng procurement process.


Aminado si Chavez na hindi maayos na na-maintened ang MRT-3 sa loob ng sampung taon.

Bunsod nito, pinate-terminate na ni Chavez ang kontrata sa maintenance provider.
DZXL558

Facebook Comments