MANILA – Bumuo ng substitute bill ang kamara para sa pagbuhay sa death penalty.Ayon kay house committee on justice Chairman Rep. Reynaldo Umali, kabilang sa mga posibleng lamang ng substitute bill ang planong gawin apat hanggang lima na lamang ang maaring patawan ng parusan bitay mula sa dalawampu’t isa.Pero, sabi ni Umali, posible pa itong madagdagan o mabawasan depende sa kanilang mapagkakasunduan.Pinag-aaralan din kasing gawing life imprisonment ang parusa sa mahuhulihan ng sampu hanggang limampung gramo ng ilegal na droga habang bitay sa mahigit limampung gramo.Bibigyan din ng kapangyarihan ang mga hukom na mamili kung bitay o habang buhay na pagkakabilanggo ang ipapataw na parusa.Bukod dito, posible ding aalisin sa parusang bitay ang plunder o ang pandarambong ng mga opisyal ng pamahalaan.
Substitute Bill Para Sa Muling Pagbuhay Ng Death Penalty – Binuo Ng Kamara
Facebook Comments