Substitution tuwing eleksyon, hindi na bagong usapin- Pol analyst

Hindi na bago ang usapin ng substitusyon tuwing halalan.

Ito ang inihayag ni UP Diliman – Department of Political Science Chairman at Political Analyst Prof. Herman Kraft kasunod ng pagbawi ni Davao City Mayor Sara Duterte- Carpio sa kaniyang kandidatura bilang re-electionist dahil sa posibilidad na pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa 2022 national elections.

Pero sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Kraft na nakikita niyang hindi makakaapekto ang ginagawang substitution ng ilang kandidato sa desisyon ng botante.


Aniya, ang politika kasi sa Pilipinas ay nakabatay sa kung sinong ang napupusuang personalidad at hindi sa polisya at programang ihahain ng mga kandidato.

Samantala, inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na hanggang sa oras na ito ay wala pang nagpapasa ng substitution para sa posisyon ng presidente at bise presidente.

Facebook Comments