Subvariant ng Omicron, hindi magdudulot ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa kung sakaling nakapasok na ito, ayon sa isang health expert

Inihayag ng isang health expert na sa oras na makapasok ang Omicron subvariant o BA.2.2, ay hindi naman ito magdudulot ng malaking pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Infectious Disease Expert Dr. Edsel Salvana, malabong maging malala ang epekto sa Pilipinas ng naturang bagong variant na kasalukuyang nakakaapekto sa Hong Kong.

Aniya, mayroon nang tinatawag na hybrid immunity ang bansa na makukuha kung nagpabakuna na kontra COVID-19.


Dagdag pa ni Salvana, nakakatulong din ito upang maging mild lang ang impeksiyon sa sakit sakaling mahawa dahil protektado ang katawan laban sa nasabing variant.

Matatandaan, ayon sa Department of Health (DOH) ay wala pang nakikitang kaso ng sub-variant ng Omicron sa bansa.

Pero sa kabila nito, patuloy naman ang kanilang pagbabantay sa sitwasyon.

Facebook Comments