LANDBANK, nakakapagbigay serbisyo na sa lahat ng LGU sa bansa

Inihayag ng Land Bank of the Philippines (LANDBANK) na ang lahat ng Local Government Units (LGUs) sa bansa ay pinapanatili ang kanilang mga deposit account sa naturang bangko.

Ayon kay LANDBANK President at CEO Cecilia C. Borromeo, layunin ng LANDBANK na palawakin ang tungkulin nila bilang pinakamalaking katuwang sa pag-unlad ng sektor ng mga LGU tungo sa magandang kaunlaran.

Aniya, ang pagkakaroon ng lahat ng LGU sa aming deposit base ay nagsisiguro na masasaklaw at mas mahusay nating maseserbisyuhan ang mga kinakailangan sa lokal na pag-unlad sa buong bansa.


Dagdag pa ni Borromeo, malaki ang naitutulong ng LANDBANK sa mga proyekto ng mga LGU tulad ng proyektong pang-agri-aqua, transportasyon at mga hakbangin sa pangangalagang pangkalusugan.

Facebook Comments