SUCCESS | Bomb drill sa NAIA, naging matagumpay

Tagumpay ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Crisis Management Organization (CMO) sa ginawang ng Full Scale Security Exercise sa NAIA Terminal 3.

Ito ay upang sanayin ang mga inilitag na plano na crisis action plan at alamin ang kahandaan ng mga concerned agencies sa pagtugon sakaling magkaroon ng terror attack sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal.

Ang pagsasanay ay sumentro sa isang bomb explosion scenario sa NAIA Complex.


Layon ng pagsasanay na malutas ang bomb explosion incident ng epektibo at mahusay upang matiyak na mabilis na maibalik sa normal ang operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Facebook Comments