SUCCESSFUL | Carol Banawa, registered nurse na sa Amerika

Estados Unidos – Isa nang ganap na nurse sa Estados Unidos ang Pinay singer na si Carol Banawa.

Sa kanyang instagram post nitong Martes, proud na inanunsyo ni Carol na isa na siyang registered nurse.

May 12 nang magtapos bilang summa cum laude sa kurong nursing si Carol sa Northern Virginia Community College.


Sa kabila ng bagong propesyon, tuloy pa rin sa pagtatanghal ang singer para sa mga Pinoy sa Amerika.

Taong 2003 nang pumunta sa Amerika si Carol para ipagamot ang ama niyang nagkasakit dahil sa carbon monoxide poisoning mula sa insidenteng ikinamatay naman ng kanyang kuya.

Bagamat bumalik ng Pilipinas ang kanyang ama, nagpaiwan na siya sa Amerika para mag-aral.

Kabilang sa mga pinasikat na kanta ni Carol ang “iingatan ka” at “bakit ‘di totohanin”.

Facebook Comments