Matapos ang pitong buwan na paglalakbay sa space, nakarating na sa Mars ang InSight lander ng NASA.
Sa presscon kanina, kinumpirma ng Mission Control ng American Space Agency ang pag-landing ng InSight sa tinaguriang Red Planet.
Maging ang mga astronaut na nasa International Space Station ay tumawag para batiin ang mission team sa matagumpay na biyahe ng lander sa Mars.
Ito ang ikalawalong pagkakataon na nakapagpadala ng lander o probe ang NASA sa Mars.
Target ng InSight na pag-aralan ang exterior ng Mars. Layunin din nitong makakuha ng mga datos at impormasyon para magamit ng NASA sa pagpapadala ng mga astronaut sa buwan at sa Mars balang araw.
Facebook Comments