BENGUET, PHILIPPINES – Sa pamamagitan ng Executiive Order, Lahat ng sugal kabilang na ang mga sugal habang may burol ay nanatiling ipinagbabawal ay mas hihigpitan pa ang pagbabantay kontra sugal ang probinsya ng La Trinidad, Benguet.
Ang Executive Order ay may opisyal na direktiba para sa La Trinidad Municipal Police Station, Barangay Peacekeeping Action Teams at La Trinidad Women’s Brigade para mangialam at pag-igtingin ang pagbabantay laban sa lahat ng uri iligal na sugal kasama na ang pagsusugal habang may burol.
Inaanyayahan din ang mga kabataan at lahat ng komunidad na makilahok sa pagbabantay at ireport ang mga nasabing iligal na gawain sa lokal na polisya at sa opisina ng mayor.
Ayon kay Mayor Romeo Salda, ang iligal na sugal ay pangmalawakang banta at pangunahing dahilan ng korapsyon, kung saan kahit ano ang estado mo sa buhay, maaari mo itong gawin.
Dagdag pa nya na ginagawan na ng lokal na gobyerno ang lahat ng kanilang makakaya para mas paigtingin pa ang pagpigil at pagpuksa sa iligal na sugal.
iDOL, sa lugar mo ba, may sugal?