Suggested retail price sa karne ng baboy, ilalabas ng DA

Nakatakdang maglabas ng suggested retail price (SRP) sa presyo ng karne ng baboy ang Department of Agriculture (DA) kasabay ng nalalapit na holiday season.

Ayon kay DA Secretary William Dar, layon nitong mapigilan ang inaasahang pagtaas sa presyo ng nasabing karne.

Pero batay sa monitoring ng ahensya, mayroon nang paggalaw sa presyo ng karne ng baboy dahil sa kakulangan ng suplay bunsod ng nagpapatuloy na problema sa African Swine Fever (ASF).


Maliban dito, tumaas din presyo ang feeds o pagkain ng baboy.

Sa ngayon, may ilang pamilihan na ang nagtaas ng higit kumulang P40 sa kada kilo ng kasim kung saan naglalaro na sa P320 hanggang P340 ang kada kilo karne mula sa dating P250.

Facebook Comments