Sa nasabing listahan, ang notebook, nasa 15 hanggang 52 pesos, ang Pad Paper nasa 15 hanggang 48.75 pesos; Lapis na nasa 11 hanggang 24 pesos; Ballpen mula 3 hanggang 33 pesos; Crayons na nasa 12 hanggang 114 pesos; pantasa na nasa 15 hanggang 69 pesos; ruler na nasa 16 hanggang 39 pesos; at Erasers na nasa 4.5 hanggang 20 pesos.
Nasa 29 na school items din umano ang may pagbaba sa presyo habang may 101 naman produkto ang walang galaw sa presyuhan.
Siniguro naman ng DTI na patuloy ang inspeksyon sa kanilang pag-iikot sa mga stalls upang matiyak na tumatalima sa standards ang produktong nabibili sa mga pamilihan.
Samantala, paunti-unti nang dumadagsa ang mga mamimili upang hindi na makipagsiksikan sa mga huling araw bago ang nakatakdang simula ng klase Hunyo 16. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









