Suhestiyon ng mga pribadong sektor para mahimok ang mga indibidwal na magpabakuna, ikinokonsidera na ng IATF

Ikinokonsidera na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang suhestiyon ng mga pribadong sektor para mahimok ang mga indibidwal na magpabakuna na kontra COVID-19.

Ayon kay Vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., ilang sa mga rekomendasyong ito ay ang mga sumusunod:

• Pagpayag sa karapatan ng mga kumpanya na huwag i-hire ang mga hindi pa nababakunahang aplikante.


• Pag-require ng RT-PCR tests sa mga hindi pa nababakunahang empleyado gamit ang sariling gastos ng mga ito.

• Mandatoryong pagbabakuna sa mga healthcare workers, empleyado ng mga paaralan, public transport workers, civil servants at miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

• At required ng vaccination info para sa mga gagamit ng pampublikong transportasyon, pagbiyahe, pagkain sa mga restaurants at pagtungo sa mga tourism establishments.

Sa ngayon, maliban sa rekomendasyon ay nais na rin ng mga pribadong sektor na pabilisin ang pagbabakuna upang maabot ang target na 1.5 million jabs kada araw.

Facebook Comments