Inihayag ng ilang jeepney drivers sa lungsod ng Dagupan ang kanilang suhestyon hinggil sa umiiral na Modernization Program ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o ang LTFRB.
Ayon sa naging panayam ng IFM Dagupan sa ilang drivers, mas mainam na gagawin ay ang mas pagandahin na lamang ang kanilang mga pinapasadang pampasaherong sasakyan, aayusin at mas lilinisan pa.
Hindi raw umano kaya ng ilang mga pampublikong sasakyan ang ipinatutupad na Modernization Program lalo na sa mga sasakyang buong Dagupan ang iniikutan. Maliit ang kitaan at hindi kaya ang buwan buwang libong babayaran kung sakaling nakapag-avail ng tinatawag na modernized jeepneys.
Sambit pa nila ang hindi stable na presyo ng mga produktong petrolyo na malaki na ring pera o kawalan kung nagtataas ito, gayundin ang nararanasang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Bagamat maganda ang adhikain ng nasabing programa ay magiging malaki naman ang epekto nito para sa mga drivers ng PUJ at PUVs lalong lalo na kung tanging pagpapasada lang ang kanilang pinagkakakitaan o panghanapbuhay na siyang idinadaing ng halos lahat ng mga nagmamaneho sa lungsod.
Samantala, dito sa lungsod ng Dagupan ay operational na ang mga modernized jeepneys tulad ng parutang pa-Bonuan sa nasabing lungsod. |ifmnews
Facebook Comments