“Suhol” kay COMELEC Chair Bautista – itinanggi ni UST Civil Law Dean Nilo Divina

Itinanggi ni University of Santo Tomas Civil Law Dean Nilo Divina na nagbibigay siya ng suhol kay COMELEC o Commission on Elections Chairman Andres Bautista dahil sa mga inirerekomenda nitong kliyente sa kanyang law firm na Divina Law.

Sa isang statement, sinabi ni Divina na pati siya ay nadadamay sa isyu ng hinihinalang tagong yaman ni Bautista.

Matatandaang ibinulgay ng misis ni Bautista na si Patricia Paz na may mga natuklasan siyang bank at real property documents at ilang passbook na nakapangalan sa COMELEC Chairman na wala sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN noong 2016.


Ibinunyag din ni Patricia na si Divina ay nag-isyu ng mga pay slip at mga tseke sa kanyang mister.

Facebook Comments