Suhol sa Customs, aabot ng 270 million sa kada-araw

Manila, Philippines – Aabot sa 270 million pesos kada-araw ang suhol na ibinibigay sa mga taga Bureau of Customs.

Ito ay kasunod na rin ng pag-amin ni Customs Broker Mark Ruben Taguba na 27,000 pesos na suhol sa bawat container ang ibinibigay at pinaghahatian ng mga taga-BOC kung saan pinakamahina na ang sampung libong container sa kada-araw.

Dahil dito, kung pagbabasehan ang pahayag ni Taguba, tinataya ni Deputy Speaker Miro Quimbo na hindi bababa sa 270 Million pesos ang suhol na natatanggap ng mga taga-BOC sa isang araw pa lamang sa sampung libong average container na tsinetsek ng ahensya.


Bunsod nito ay hinahamon ni Quimbo si Customs Commissioner Nicanor Faeldon na linisin ang BOC at walisin ang mga tiwali dito.

Kumbinsido naman si Quimbo na malinis si Faeldon pero dapat na magpakita ng political will at sinseridad para sa pagpapatupad ng reporma sa ahensya.

Facebook Comments