SUICIDE ATTACK | 15 tao, patay sa Jalalabad City

Afghanistan – Nasawi ang nasa 15 katao habang 13 sugatan sa suicide attack sa Jalalabad City.

Sa ulat, pinasabog ng umatake ang kanyang sarili kasunod ng pagdagsa ng mga tao sa isang libing.

Sa ngayon, wala pang umaako ng nasabing pag-atake na naganap ilang araw matapos ang isa pang madugong suicide attack sa isang cultural center sa Kabul kung saan nasa 41 katao ang patay at mahigit 80 ang sugatan.


Facebook Comments