SUICIDE ATTACKS | Pilipinas, kinundena ang pagpatay ng ISIS sa higit 200 katao sa Syria

Nakikiramay ang Pilipinas sa Syria sa malagim na serye ng suicide attacks kung saan higit 200 ang namatay.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, nakikiramay ang Pilipinas sa pamilya ng mga namatay sa pag-atake ng Islamic state.

Kasabay nito, pinag-iingat ng DFA ang lahat ng mga Filipino sa Syria at hinimok na maging mapagmatyag sa kapaligiran.


Sinabi ni Cayetano na wala namang napaulat na Pilipino na nasaktan sa serye ng mga pag-atake.

Nakikipag-ugnayan na rin ang Embahada ng Pilipinas sa mga Pinay na may asawang Syrian.

Tiniyak ng kagawaran na handa itong tulungan ang nasa higit-kumulang 1,000 Pilipino na nasa Syria na gustong bumalik ng bansa.

Facebook Comments