SUICIDE BOMBER | Higit 20 patay sa panibagong suicide attack sa Kabul, Afghanistan

Kabul, Afghanistan – Nasawi ang 29 na tao matapos umatake ang isang suicide
bomber sa Kabul, Afghanistan.

Ayon kay Ministry of Health Spokesman Wahid Majroh – sugatan sa pagsabog
ang nasa 52 tao.

Sinabi naman ni Kabul City Police Spokesman Basir Mojahid – tatanggakin
sana ng suspek ang Sakhi Shrine kung saan maraming tao ang nagtitipon para
ipagdiwang ang Persian New Year.


Pero agad naalerto ang mga awtoridad at pinasabog ng suspek ang kaniyang
sarili.

Inako na ng Daesh o ISIS ang pag-atake habang handang makipagtulungan ang
Estados Unidos sa Afghan authorities.

<#m_-3967879901982278936_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments