SUICIDE BOMBING | Larawan ng umano’y Moroccan suspect sa suicide bombing sa Basilan, inilabas ng ISIS

Inilabas ng ISIS ang larawan ng isang lalaki na tinukoy nitong Moroccan National na nasa likod umano ng suicide bombing attack sa Basilan.

Sa website ng site intel group, ipinakita ang larawan ng lalaking Moroccan at nakasaad na siya ang nagsagawa ng pag-atake.

Tinukoy ang pagkakakilanlan nito bilang Abu Kathir Al-Maghribi.


Bukod dito, sinabi ng ISIS na labing lima ang napatay sa pag-atake, taliwas sa official death toll ng Armed Forces of the Philippines na siyam.

Sa interview ng RMN DZXL Manila kay AFP spokesperson Colonel Edgard Arevalo, sinabi niya na hindi pa kumpirmadong may koneksyon sa ISIS ang suspek sa pagpapasabog sa Basilan, pero hindi nila inaalis ang posibilidad nito.

Una nang sinabi ni Arevalo na posibleng Abu Sayyaf ang suspek at malabong suicide bomber ito kung saan posibleng nag-panic lang siya dahil sa naharang siya sa checkpoint kaya aksidenteng napindot niya ang triggering device.

Facebook Comments