Suicide Hindi Option; Depression May Lunas

Tinatayang umaabot sa 4.5 miliong mga pinoy ang dumaranas ng depression ngayon. Pinakamataas ito sa lahat ng mga bansa sa south East Asia. Ito ay ayon sa datos na ibinahagi ni Dr. Marie Angelli L. Morico, na siyang psychiatrist consultant ng Bicol Regional Training and Teaching Hospital.

Kaugnay nito, isang press conference ang isinagawa sa legazpi City sa pangunguna ni Dr. Marie Angelli L. Morico, MD, upang talakayin ang usapin tungkol sa depression at kaugnayan nito sa tumataas na mga kaso ng mga nagpapakamatay sa bansa.

Sa nasabing press conference, binigyang diin ni Morico na ang pag-iisip tungkol sa pagpapakamatay ay palatandaan ng sobrang pagka-depress. Malimit sinasabing nagpapansin lamang ang taong nakakaranas nito kung kaya’t kung anu-ano na lamang ang mga sinasabi para lamang makakuha ng attention. Pero ayon kay Morico, ang mga taong dumaranas ng sobrang pagka-depress ay hindi nagkukwento para lamang makakuha ng pansin. Idinagdag pa ng doktora na mahalagang maibsan ang maling stigma na iniuugnay sa depression at pagpapakamatay. Nararapat na ma-encourage ang mga apektado na humingi ng tulong mula sa mga professional.
Hindi sila dapat balewalain. Hindi sila humihingi ng attention. Palatandaan ito na kailangan nila ng tulong. At, kung hindi sila matulungan, malimit sa mga dumaranas nito ay nakakapag-isip na magpakamatay. Mahalaga ang papel ng mga tao sa paligid ng mga dumaranas ng depression na hindi solusyon sa problema ang pag-iisip tungkol sa pagpapakamatay. Kailanman ay hindi option ang pag-suicide, sabi pa ni Morico.
Naniniwala si Morico na pwedeng maiwasan ang pag-suicide ng mga taong nakakaranas ng sobrang depression dahil nagagamot naman ito.
Sa ngayon, hinihikayat ni Morico na magkaroon ng partnership sa Department of Education particular particularly sa mga guidance counselors para matulungan silang maka-detect ng mga palatandaan ng depression sa mga estudyante at agad na makapagbigay ng angkop na lunas o magabayan sila para matulungan ng mga professionals.
Kaugnay nito, ang DOH ay naglunsad din ng Mental Health Gap Action Program para masagot ang usapin tungkol sa mental health para maiwasan ang kaso ng mga suicide sa mga komunidad. Ang Bicol region ay tinuturing na national model ng programang ito sa buong bansa.
reference: doh-bicol press release
photocredit: newstraitstimes


Facebook Comments